Salin

Report
“An kinaban kan Bicol bako sanang mayaman sa
mga rawit-dawit, istorya, patuod kundi igwa
man mga kanta, kasabihan na suanoy saka mga
suba” (Bicol Street Journal 2013)
“Ang daigdig ng Bikol ay hindi lamang
mayaman sa mga tula, kuwento, bugtong
kundi maging sa mga kanta, matatandang
kasabihan at biro.”
Isang Salin sa Filipino ng Aklat na
“BALALONG: Mga Kasabihang
Bikolnon, A Compilation and
Interpretation of Bikol Proverbs” ni
Philip Francis Reazon Bersabe
BENITA B. BALLA
BICOL UNIVERSITY LEGAZPI CITY
ANO ANG BALALONG?
Ano ang BALALONG?
• Isang instrumentong pangmusika na mula
sa kawayan na ginamit ng mga datu noong
unang panahon sa Kabikulan para
tawagan at ipunin ang kanilang mga
nasasakupan.
Balalong…
• Koleksyon ng isangdaang kasabihang Bikolnon
na naisulat sa wikang Bikol at Ingles, may
interpretasyon sa wikang Ingles at
naikategorya sa apat: kasabihang moral,
sikolohikal, sekular at espiritwal, na
sumasalamin sa buhay, pamumuhay,
paniniwala at kulturang Bikolano.
• Ang salawikain o kasabihan ay may malaking
ginagampanan sa buhay ng mga bikolano noon.
Ang mga kasabihan ay kadalasang ginagamit
lalo na sa “pagpapaalala sa mga tao ng
maraming kalabisan ng maling gawa.” Ang
mga salawikain ay karaniwang tumatalakay sa
moral, kabutihang loob at nagpapahiwatig ng
pawang katotohanan tungkol sa buhay.
LAYUNIN
Maisalin sa Filipino ang aklat na “Balalong:
Mga Kasabihang Bikolnon, A Compilation and
Interpretation of Bikol Proverbs” ni Philip Francis
Reazon Bersabe upang makapag-ambag bilang
karagdagang kagamitang pampagtuturo sa
pagtuturo ng wika at literaturang Filipino at
maitampok ang karanasang panrehiyon ng Bikol
bilang bahagi ng karanasang pambansa
Tiyak na Layunin
1. Magamit ang angkop na pamamaraan,
metodo at teknik sa pagsasalin ng aklat na
“Balalong” ng mga inipong kasabihan sa
wikang Bikol at may interpretasyon sa
wikang Ingles tungo sa wikang Filipino.
2. Mataya ang kalinawan at kabisaan ng salin sa
Filipino.
II. PAMAMARAAN
A. Paghahanda at Pagpili sa Tekstong
Isasalin
B. Pagbasa sa Buong Aklat
C. Paggawa ng Unang Burador ng Salin
D. Paglalapat ng Teorya
E. Ebalwasyon ng Salin
F. Pag-edit o Pagrebisa sa Salin
G. Paghahanda ng Pinal na Salin
PROSESO NG PAGSASALIN (Larson 1984)
a. Paghahanda
b. Aktwal na Pagsasalin
c. Ebalwasyon ng Salin
Mga Hakbang na Dapat Isaalang –alang Bago
Isagawa ang Aktwal na Pagsasalin
(Larson 1984)
1.
2.
3.
4.
5.
Pagsasalin (Pagbasa ukol sa paksa)
Pagtuklas sa Kahulugan
Muling Pagpapahayag ng Kahulugan
Pagsasalin sa target na wika
Pag-eedit at pagrerebisa (pagbasa at pagsubok
sa salin)
Ebalwasyon ng Salin
Talatanungan
• Ginamit upang subukin ang kabisaan
ng salin sa Filipino
• Ginamit din itong patnubay sa Subok
Pang-unawa o Comprehension
Check at Subok-hambingan o
Comparison Check
KONGKLUSYON
1. Isang paraan ng pagpapayaman ng
pambansang panitikan ay sa
pamamagitan ng paglilikom at
pagsasalin ng mga katutubong
panitikan mula sa iba’t ibang
rehiyon ng bansa.
2. Ang mga panitikang rehiyonal kapag
naisalin sa wikang Filipino ay magagamit
bilang lunsaran ng mga aralin sa
asignaturang Filipino. Magsisilbi rin itong
karagdagang kagamitang pampagtuturo sa
larangan ng wika at panitikan maging sa
asignaturang Edukasyon sa Pagpapahalaga.
3. Ang mga kasabihang Bikolnon ay
kinapapalooban ng mga
pagpapahalagang moral, sikolohikal,
sekular at espiritwal na mabibigyangdiin sa pagtuturo.
4. Ang
pagsasalin ay naging
makabuluhan at makahulugan sa
tagasalin dahil sa pagkakaroon ng
sapat na kaalaman sa wika at
kultura ng panitikang kanyang
isinalin.
5.Kailangan ang sapat na kaalaman
sa sining at agham ng pagsasalin
ng sinumang nagnanais pumalaot
sa mundo ng pagsasalin.
6. Sa pagsasalin ng mga kasabihang Bikolnon
nabuksan ang malaking pader na naghihiwalay
sa rehiyon lima sa iba pang mga rehiyon,
naitampok ang karanasang panrehiyon bilang
bahagi ng karanasang pambansa, at naipakilala
ang iba’t ibang paniniwala, halagahan at
natatanging tradisyon at kamalayan ng mga
Bikolano.
7. Sa ginawang pagsasalin naroon ang adhikain
na gisingin ang damdamin ng mga
tagapagtaguyod ng kultura sa iba’t ibang rehiyon
at makita ang kahalagahan ng mga kasabihan
bilang midyum ng dayalogo-kultural.
MGA TEKNIK NA GINAMIT SA PAGSASALIN
1. Salita-sa-salitang pagsasalin
• Ito ang tinatawag sa Ingles na word-for-word
translation. Isa-sa-isang pagtutumbas ng kahulugan
ng salita. Malimit na ang ganitong salin ay himig
telegrapikong pahayag.
• Halimbawa:
Orihinal: An marhay na tubo
mahamis sagkod puro.
Salin:Ang mabuting tubo, matamis
hanggang dulo.
Orihinal:Daing mapawot sa tawong
mahorop.
Salin:Walang mahirap sa taong masipag.
2. Literal na Salin
• Sa saling literal ang pahayag sa SL ay isinalin sa
pinakamalapit na gramatikal na pagkakabuo sa TL.
Kung minsan, nagiging wordy o masalita ito at
nagiging mahaba ang pahayag.
• Halimbawa:
Orihinal: An marahay na parasakay
namimidbid sa lawod bako sa
pampang.
Salin:
Ang mabuting mandaragat ay
nasusubok sa laot hindi sa
baybayin ng dagat.
Orihinal: Dai nin manok na madulag sa bunag.
Salin:
Walang manok na tumatanggi sa palay.
3. ADAPTASYON
• Pinakamalayang anyo ng salin.
• Madalas itong gamitin sa salin ng dula at tula, na kung
minsan ay tila malayo sa orihinal.
• Halimbawa:
Orihinal: Pag-ontok nin bagyong
makusugon an minasangle
marahay na panahon.
Salin:Pagkatapos ng bagyo, may
bagong umaga.
Orihinal: Gusto man kutang
mapahot marhay pang maglibot.
Salin:Mabuti na ang dumaan sa
mahabang landasin kaysa tahakin ang daang
maraming suliranin.
4. MALAYA
• Malaya at walang kontrol, parang hindi na isang salin
Halimbawa:
Orihinal: Impatience leads one to ruin,
but patience leads on/complete
satisfaction in Christ.
Salin:Ang kawalan ng tiyaga ay nakasisira, subalit pag
may tiyaga, maaaring humantong ito sa buhay ng
walang hanggang kasiyahan sa piling ng Poong
Maykapal.
Orihinal:Thus, this proverb recommends vigilance and
care in any human endeavor.
Salin:Sa ganitong paraan, ang kasabihang ito ay
nagpapaalala ng pagtitiyaga at pag-iingat sa
anumang gawain.
5. MATAPAT
• Sinisikap dito na makagawa ng eksakto o katulad na
katulad na kahulugang kontekstwal ng orihinal bagaman
may suliranin sa istrukturang gramatikal na nagsisilbing
hadlang sa pagkakaroon ng eksaktong kahulugang
kontekswal.
• Halimbawa:
Orihinal: Sa tinara-taragdo nalalabot an gapo.
Salin:
Sa paunti-unting patak ng tubig
nabubutas ang bato.
Orihinal: Sa tubig man o sa hubas,
igwa nin halas.
Salin:
Sa tubig man o sa lupa,
mayroong ahas.
6. IDYOMATIKONG SALIN
• Mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal na teksto
ang isinasalin.
• Hindi nakatali sa anyo, ayos o istruktura ng SL,
bagkus iniaangkop ang bagong teksto sa normal
at natural na anyo ng TL.
• Halimbawa:
Orihinal: An uwak sa sirangan, uwak
man sa solnopan.
Salin:
An uwak sa silangan, uwak
din sa kanluran.
Orihinal: Daing kinong matutukob sa
mangiyaw na ikos.
Salin:
Walang mahuhuling daga
ang maingay na pusa.
Orihinal: An tangad na uhoy, tindog sa
kagianan, an bawog na uhoy, duko sa
katimgasan.
Salin:
Ang walang lamang uhay
nakatayo sa kagaanan,
ang malamang uhay yumuyuko sa
kabigatan.
7. SALING SEMANTIKO
• Pinagtutuunan dito ng higit ang aesthetic value o
halagang estetiko, gaya ng maganda at natural na
tunog, at iniiwasan ang anumang masakit sa
taingang pag-uulit ng salita o pantig.
• Halimbawa:
Orihinal: An babaeng mainikid-ikid sa
pungo nasasabit.
Salin:
Ang magaslaw na dalaga
nasasabit sa nakausling sanga.
Orihinal: Nasasagop an baha dai ang
bareta.
Salin:
Mapapahinto ang baha hindi
ang balita.
8.KOMUNIKATIBONG SALIN
• Nagtatangkang maisalin ang eksaktong kontekstuwal
na kahulugan ng orihinal sa wikang katanggaptanggap at madaling maunawaan ng mga mambabasa.
• Halimbawa:
Orihinal: An maraot na kadara,
likayan mo ta marara.
Salin:
Ang masamang kasama,
iwasan mo’t may lasong dala.
Orihinal: An mahorop amay na magbangon,
an hugakon manilamawon.
Salin:
Maagang gumising ang taong masipag
tinatanghali na ang taong tamad.
MGA NAISALING KASABIHANG BIKOLNON:
• Adalan mong gumamit nin pala
bakong kagkag sana.
Matuto kang gumamit ng pala
hindi lamang kalaykay.
• Sa tanuman nin hugakon dakol na hihilamonon.
Sa taniman ng tamad
maraming damong nagkalat.
• An harayo sa gatong dai matototong.
Ang malayo sa apoy ay ‘di masusunog.
• An tao na bagana cordero
bagana sawa kun maniguro.
Ang taong parang maamong kordero
ay parang tusong sawa kung maniguro.
• An minahabo sa grasya minadiklom ang mata.
Ang tumatanggi sa grasya lumalabo ang mata.
Nawa’y magsilbing tagapagbukas ang
pagsasaling ito ng isang bagong kaalamang
hahaplos sa bawat damdamin at gigising sa
kamalayan ng bawat Pilipino….bilang
makabayang Pilipino!
MARAMING SALAMAT!
DIOS MABALOS!

similar documents