Slide 1 - Foursix

Report
Ang Surian ng Wikang
Pambansa
at ang
Pagpapaunlad ng
Wikang
Pambansa
Aluan, Nathaniel Agustin A.
IV- 6 (BEED)
Sa bisa ng Batas Komonwelt 184
ay itinatag ang Surian ng Wikang
Pambansa (SWP) noong Nobyembre
13,1936 upang patnugutan ang pagpili
ng katutubong wika na magiging
batayan sa pagpapalaganap at
paglinang ng pambansang wika
Pilipinas. Iniatas ng seksiyon 5 ng
batas na dapat isagawa ng SWP ang
sumusunod:
1. to make a study and survey of
each of the chief tongues of the
Philippines spoke at present by at
least haft a milliaon inhabitants.
2.to select from said native tongues
and arrange in separate groups:
a. words and phrases used in all
or in the majority of said tongues,
with common sound and meaning.
b. words used in all or in the
majority of said tongues, with the
same sound but with different
meaning.
c. words used in all or in the
majority of the said tongues, with
similar sound but with the same or
different meaning.
3. to study and determine the Philippine
phonetic and orthography.
4. to make comparative critical study
of the Philippine prefixes, infixes and
suffixes.
5. to choose the native tongue which to
be used as a basis for the evolution and
adoption of the Philippine national language.
In proceeding to such election, the institute
shall give preference to the tongue that is the
most developed as regards structure,
mechanism and literature and is accepted
and used at the present time by the greatest
number of the Pilipino.
Itinatadhana pa rin sa seksiyon 7 ng batas
komonwelt 184 na:
…it shall be the duty of the National Language
Institute to state which native tongue it has
chosen as basis for the national language and
to recommend to the President of the
Philippines the adoption of the national
language based on the native tongue chosen,
by executive order, proclaim such national
language based on the native tongue chosen
by the National Language Institute, as
language of the Philippines, effective two years
thereafter.
Nakasaad din sa Seksiyon 8 at 9 ng
batas na ito na ang Surian ay maghahanda
ng isang diksiyunaryo at balarila para sa
‘’purification and enrichment’’ ng wikang
pambansa. Dalawang taon matapos
maproklama ang wikang pambansa,ang
disksiyunaryo at balarilang inihanda ay
dapat na maipalimbag upang ito’y
magamit sa mga pampubliko atpribadong
paaralan sa pilipinas.
SECTION 8. Upon the proclamation of the
national language by the president of the
Philippines, it shall be the duty of the
national language institute to prepare a
dictionary and grammar of the national
language. Special attention shall be given
to the purification and enrichment of the
national language in accordance with the
following procedure:
SECTION 9. Not later than two years after
proclamation of the national language by
the President of the Philippines, the
National Language Institute shall publish
the dictionary and grammar of the
national language prepared as provided
for in the preceding section, and the
President of the Philippines shall issue
orders to the Department of Public
Instruction to the effect that,
.. beginning with a day to the fixed by the
President of the Philippines, said national
language shall be used and taught in all
public and private schools of the Philippines
in accordance with the dictionary and
grammar prepared and published by the
National Language Institute.
Pinili nang SWP ang Tagalog bilang
batayan ng isang bagong pambansang
wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa
Tagalog ng mga sumusunod:
1. Sinasalita ang Tagalog ng
napakaraming tao at ito ang wikang
pinakanauunawaan sa lahat ng mga
rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at
pabubutihin nito ang komunikasyon sa
mga taumbayan ng kapuluan.
2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit
at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang
pinakamayaman at ang pinakamaunlad
at malawak
4. Ito ang wika ng Maynila,
ang kabiserang pampulitika at pangekonomiya ng Pilipinas.
5. Ito ang wika ng Himagsikan at
ng Katipunan—dalawang mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.
Noong Hunyo 18, 1938 sa
pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg.
333 ay ang “National language Institute”
ay ginawang “Institute of National
Language” at ipinailalim sa tuwirang
pamamahala at pangangasiwa ng
Pangulo ng Pilipinas.
Malinaw na nakasaad sa mga tungkulin ng
SWP ang ilang proseso sa pagpaplanong
pangwika:
1. Pagpili sa katutubong wika na
magiging batayan para sa ebolusyon
at adopsiyon ng Pambansang Wika.a
2. paggawa ng diksyunaryo at balarila at
ang “pagpapadalisay ng wika”
3. pagpapaunlad at pagpapayaman ng
wika sa pamamagitan ng mga salita mula
sa iba’t-ibang wika sa Pilipinas at kung
kinakailangan ay sa wikang banyaga tulad
ng Ingles at Espanyol.
Bago sumapit ang panahon ng Hapon,
nagpanatili ang SWP ng isang programa ng
pagpaparami ng publikasyon(1937-1941)
Nakapagpalimbag ang surian ng serye ng
monograph sa leksikograpiya ng mga wika
ng Pilipinas.
Pagkaraan, ang mga publikasyon ay
nakatutok sa retorika at panitikang Tagalog
tulad ng dula, panulaan, katha, pelikula,
awit na nakasalulat sa wikang Tagalog.
Sa panahon ng pangasiwaang
Hapones, ang patakarang pangwika ay sa
Atas Militar Blg. 2 na may petsang Pebrero
17, 1942 at ang pamagat ay “Instructions
Concerning the Basic Principles of
Education in the Philippines” nakatukoy sa
tagapangulo ng Komisyon tagapagpaganap
ng Pilipinas na si Jose B. Vargas. Ganito
ang atas:
“in order to popularize the Philippine
National language, Tagalog proper means
should be taken as early as possible after
the study by the Institute of National
Language in the Department of Education
and Welfare”
Isa rin sa mga pagbabagong ginawa
ng Pangasiwaang Militar ng Hapon ay ang
palitan ng mga pangalang Tagalog at
Hapon ang mga daang nagtataglay ng
pangalang Amerikano.
Ang Taft Avenue ay naging Daitoa
Avenue. Ang Jones Bridge ay naging
Bansai Bridge. Naging Plaza Bagong
Pilipinas ang Wallace Field.
Lumawak ang gamit ng Wikang Pambansa
sa mga akdang pampanitikan. Pinigil ng mga
Hapon ang pagsusulat sa Ingles at hinikayat ang
mgamanunulat na Tagalog.
Ang Liwayway, Ang tanging magasin sa tagalog
ay nagpatuloy ng publikasyon. Pinigilan ang
Manila tribune, ang tanging arawang
pahayagan sa Ingles sa panahong iyon at ang
mga awitin at dulaang pangtanghalan na dati
ay nasa wikang Ingles ay napalitan ng Tagalog.
Ang mga kontrobersya sa wikang
pambansa naging dahilan upang imungkahi
ng Kagawaran ng Edukasyon ang solusyon
na gawing Pilipino sa halip na Tagalog ang
wikang pambansa. Ang kadahilanan ay
hindi sa anumang makaagham na
paliwanag kundi sa praktikal na
kadahilanan na maniyutralisa ang mga
oposisyon na mga anti-Tagalog sa
pamamagitan ng hindi pagbanggit sa
salitang Tagalog. (Agoncillo 1990)
Upang lubos na makuha ang kalooban at
kooperasyon ng mga Pilipino ay itinatag
ang Republika ng Pilipinas noong panahon
ng hapon. Isang komisyon ang naghanda
ng saligang batas at isa sa mga probisyon
ay itadhana ang Tagalog bilang Wikang
Pambansa. Nakasaad sa Sec. 2 Artikulo IX
ng Konstituson ng 1943 na “The
government shall take steps towards the
development and propagation of Tagalog
as national language.”
Sa panahon ng panunungkulan ni
Ponciano B. Pineda, nilagdaan ni Pangulong
Marcos ang Kautusang Tagapagpaanap Blg.
304, may petsang Marso 16, 1971, na
nagpapanauli sa Surian na ang mga
kagawad ay kakatawan sa sumusund na
pangunahing pangkat lingguwistiko: Bikol,
Sebwuano, Hilagaynon, Ilokano,
Pampango, Pangasinan, Samar-Leyte at
Tagalog.
Hinirang ang mga sumusunod na bubuo ng Surian:
Direktor Ponciano B.P. Pineda(Tagalog)
Tagapangulo
Dr. Lino Q.Arquiza (Sebuwano)
D.Nelia G.Casambre(hilagaynon)
Dr. Lorenza Ga. Cesar (Samar-Leyte)
Dr. Ernesto Constantino(Ilokano)
Dr. Clodualdo H. leocadio (Bikol)
Dr. Juan Manuel (Pangasinan)
Kagawad
Kagawad
Kagawad
Kagawad
Kagawad
Kagawad
Sa kauna-unahang pagkakataon,
nagkaroon ng komite sa loob ng SWP. Malaki
ang tulong ng komite sa mabilis at malawak
na pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.
(KWF 2002)
Mga kautusan
para sa
Implementasyon ng mga
Patakarang Pangwika
Ang implementasyon ay mga desisyon ukol
sa paggamit ng wikang pambansa sa
mahahalagang larangan o mga desisyong
binuo sa kategorya nga pagtiyak at
pagpapaunlad ng wika.
Ayon kay Bernabe(1986) ang
tagumpay ng implementasyon ay
kadalasang nakasalalay sa pagkakaroon ng
mga aklat, at pagsasanay sa mga guro,
realsitikong iskedyul ngimplemenstasyon at
epektibongprogramang pang-impormasyon
upang hikayatin ang mga tao sa paggamit
ng wika.
Para mapabilis ang paglinang at
pagpapalaganap ng wikang pambansa,
ay nilagdaan ni Pangulong Ramon
Magsaysay noong Marso 26, 1954 ang:
Proklamasyon Blg. 12 – nag-aatas ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa tuwing Marso-Abril taon-taon,
nang sumunod na taon ay nailapat ang
petsa sa Agosto 13-19 taon-taon.
Si Pangulong Diosdado Macapagal
ay naglagda naman ng:
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
s. 1963 na nagaatas ng pag-awit ng
Pambansang awit ng Pilipinas sa mga titik
lamangnitong Pilipino sa alinmang
pagkakataon, sa bansa o sa ibang bansa
man.
Sa Panahon ni Pangulong Ferdinand
E.Marcos, maraming kautusan,
proklamasyon, sirkular at ibang atas na
kumikilala sa wikang Pilipinobilang
opisyal na wika ng pamahalaan.
1. Kautusang Tagapagpaganap Blg.
96. Nagaatas na lahat ng edipisyo, gusali
at tanggapan ng pamahalaan ay
pangalanan na Pilipino.
2. Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 187, s. 1969 na nag-atas sa lahat
ng kagawaran, kawanihan, tanggapan
at iba pang sangay ng pamahalaan na
gamitin ang Wikang Pilipino hangga’t
maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at
pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal at
transaksiyon ng pamahalaan.
3. Memorandum Sirkular Blg.
277 s. 1969 na nananawagan sa mga
opisyal at empleyado na dumalo sa
seminar sa Pilipino na idaraos ng
surian ng Wikang Pambansa.
4. Memorandum Sirkular Blg.
368, s. 1970 nagaatas sa mga opisyal
ng tanggapan ngpamahalaan na
magdaos ng palatuntunan sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa.
5. Memorandum Sirkular Blg. 384 na
nagaatas na magtalaga ng mga
empleyadong mangangasiwa sa lahat ng
korespondensiya ng opisyal sa Pilipino.
Salamat! \m/

similar documents