tagaytay city - WordPress.com

Report
TAGAYTAY CITY
TAGAYTAY CITY
• Ang Tagaytay city ay kilala ng mga turista dahil sa
magagandang tanawin at ito rin ay pangalawa sa
pinakamalamig na lugar sa ating bansa dahil sa ito ay nasa
mataas na lugar.
• Dito sa Tagaytay, Makikita natin ang pinakamagandang
lugar kung saan makikita natin ang tanyag na bulkang Taal
at ang kanyang lawa
• Ang Tagaytay ay 55 kilometro lamang ang layo sa Maynila
via Aguinaldo Highway kaya madalas na pasyalan ng mga
nakatira sa Maynila na gustong makaranas ng malamig na
klima dahil sa init ng klima sa kanilang mga lugar. Ang
Tagaytay ay napapalibutan ng mga puno at bundok
• And siyudad ay nasa “TAGAYTAY RIDGE” na 32 kilometro
ang haba mula sa Bundok Batulao hanggang sa Bundok
Sungay (na ngayon ay People’s park in the sky).
KILALANIN NATIN ANG TAGAYTAY
• Etimolohiya
– Sinasabing ang Tagaytay ay nagmula sa dalawang salitang
“taga” at “itay” dahil noon ay may mag ama na
nangangaso sa kagubatan nang bigla silang hinabol ng
isang hayop at inatake ang ama ng bata. At ang huli niyang
nasabi sa kanyang ama ang katagang “ taga – itay”. Inulit
niya ito at napag usap-usapan ito ng buong barangay at ito
ay ipinangalan sa lugar na iyon
• Noong Rebuluyon ng mga Pilipino noong 1896, Ang mga
gubat at bundok sa Tagaytay ang naging santuwaryo ng mga
rebulusyonaryo kabilang na mga galing sa mga karatig
probinsya
MGA LUGAR NA DAPAT PASYALAN SA
TAGAYTAY
• Tagaytay Picnic Grove
– Dito madalas dumayo ang mga pamilya, turista at iba
pa dahil dito maraming mga gawain ang maaari mong
maisagawa katulad ng pag-picnic, pagpapalipad ng
saranggola, pagsakay ng zipline, at iba pa. Dito mo rin
makikita ang magandang tanawin ng Bulkang Taal at
ang lawa nito
• Palace in the sky
– Ito ang mansyon na ipinagawa ng ating dating
pangulong Ferdinand Marcos. Ang mansyon na ito ay
hindi natapos sa paggawa ngunit ito ay binuksan sa
publiko para sa magandang tanawin ng Bulkang Taal
• Sky Ranch
– Dito matatagpuan ang pinakamataas na ferris wheel
sa ating bansa.
• Residence Inn
– Mayroong Mountain Resort at Zoo dito sa residence
inn. Sa zoo maaaring magpakain ng mga hayop
• Taal Volcano Adventure
– Ang Taal Volcano Adventure ay iniaalok sa mga taong
pumupunta sa picnic groove. Dito tayo makakaranas
ng “full adventure” papunta sa bunganga ng bulkan at
pabalik sa baba. Ngunit kailangan muna pumunta ng
Talisay, Batangas dahil doon ginagawa ang adventure.
May mga resort doon na nag-aalok ng “boat ride”
papunta sa isla ng Taal at pagdating doon, mamimili ka
kung sasakay ka ng kabayo pataaas o maglalakad
pataas
BAKIT KAYA PINAPASYALAN ANG
TAGAYTAY CITY?
• Pinapasyalan ang Tagaytay City dahil dito may
malamig na klima na kahalintulad ng Baguio
City na hindi malayo sa Maynila hindi katulad
ng Baguio na halos 4-5 oras ang biyahe mula
sa Maynila . Dito din kasi makikita ang
pinakamagandang view ng napakagandang
Taal Volcano. Marami din activities dito na
makakapagdulot ng kasiyahan ng nakararami
TAGAYTAY CITY LOCATION
TAAL ISLAND MAP
TARA NA AT PUMUNTA
SA
TAGAYTAY CITY
BEST PLACE TO STAY COOL

similar documents