Slide 1 - CTL

Report
GROUP 5 : MGA
NARANASANG
“DISASTER” AT “HAZARD”
SA ASYA
PILIPINAS
Pilipinas, Ikatlo sa Pinakamadalas na Masalantang Bansa.
Sinasabi rin na ang pagpapalit-palit ng panahon ang tinuturing na pangunahing dahilan nito.
Maaalala rin natin na sa nagdaang dekada ay talaga namang napakaraming kalamidad na ang
naranasan ng Pilipinas. Isa na ang Ondoy sa maituturing na pinakamalala at pinaka nakaapekto
sa Pilipinas. Madadagdag rin dito ang hindi na mabilang na landslide at ipa pang kalamidad
gaya ng mga bagyo na talaga namang nakasalanta at nagpahirap sa maraming mamamayang
Pilipino.
Sinabi ng United Nations na ang masama ay pinalalala pa raw ang ating estado ng ating mga
kakulangan sa pagiging handa. Sa nakalipas na dalawang dekada ay napagdaananan natin ang
pagsabog ng Mt. Pinatubo na kumitil sa napakaraming buhay. Hindi rin natin makakalimutan
ang mga bagyong nagpabago sa buhay ng napakarami Pilipino lalung-lalo na si Ondoy na sumira
sa napakaraming kabuhayan. Ang hindi na mabilang na paglindol at mga landslide.
Sa tuwing magkakaroon ng ganitong mga kalamidad ay hindi maaaring walang magbuwis ng
buhay, kaya naman nasabi ng United Nations na kulang sa paghahanda ang Pilipinas kung
kaya’t nagiging kagimbal gimbal ang kinahahantungan ng mga Pilipinas matapos salantain ng
mga kalamidad.
Sa darating pa na susunod na mga dekada ay mas lalala pa ang sitwasyon ng Pilipinas. Ayon sa
pag-aaral ay mas iinit pa sa bansa, pagkaraan nga raw ng tatlong dekada ay magda-dry up ang
Mindanao. Sinabi rin na mas lalakas pa ang mga bagyong darating sa bansa at mas maraming
tubig ang ibubuhos ng mga ito. Mas lalong maghihirap ang pamumuhay ng Pilipino kung
darating na ang sinasabing tag-init, dahil ang 1 degree Celsius na pagtaas ng temperature ay
maaaring makabawas ng 10% sa rice production. Matatandaan na 10% gross domestic product
ang sinalanta ng bagyong Ondoy.
PILIPINAS

Bagyong Pedring
PILIPINAS
1991 : Pagputok ng Bulkang Pinatubo
Tuluyan nang nagising ang 60 taon nang natutulog na Bulkang Pinatubo sa Zambales.
noong Hunyo 15, 1991 na naging laman ng pangunahing balita sa mundo. Sinasabing ito
ang pangalawa sa pinakamalaking pagyanig matapos ang pagputok ng Katmai-Novarupta
sa Alaska noong 1912. Ipinalagay naman sa lathalain mula sa New York Times na ito
marahil ang pinakamalaking lindol sa ika-20 siglo.
May tinatayang 740 katao ang namatay at 8,000 kabahayan ang nasira, habang may
dalawang milyon na iba pa ang naapektuhan matapos ang pagbuga nito ng abo at
nakakalasong kemikal sa atmospera kasabay ang pagbulusok ng lahar. Ang halaga ng
nasira ay umabot sa 450 milyong dolyar. Ang epekto nang pagputok na ito ay umabot sa
Europa.
Dalawampung milyong tonelada ng sulfur dioxide at abo ang bumuga mula sa bunganga
ng bulkan na may layo na 20-30 kilometro pataas sa atmospera. Kumalat ito pakanluran
at umikot sa mundo sa loob ng tatlong linggo. Nabalot sa abo ang mundo ng 12 buwan.
Bumama ang temperatura ng 0.5 sentigrado at ang epekto ay mas mataas na
temperatura sa Hilagang Amerika, Europa, at Siberia habang nakaranas ng mas malamig
na temperatura ang Alaska, Greenland, Middle East, at Tsina.
Nasira ang 260 metro na bahagi ng tuktok ng bulkan at ang sunod-sunod na pagyanig sa
iba’t ibang lugar ay tumagal ng siyam na oras. Kasabay nito ang pagdaan ng bagyong
Yunya na nagdulot ng malawakang pag-ulan. Ang pag-ulan na ito ang dahilan upang
kumalat ang abo sa malaking bahagi ng Luzon.
Unang nagparamdam ang bulkan noong Hulyo 1990 nang nagkaroon ng lindol sa rehiyon
na may lakas na 7.8 magnitude. Sumunod ang panaka-nakang paglindol noong Marso
1991 at nagpatuloy hanggang Hunyo.
JAPAN
Lindol at tsunami sa Japan
Niyanig ng “Tohoku earthquake” o “2011 earthquake off the Pacific coast of Tohoku”
ang buong Japan na mayroong magnitude na 9.0. Tinaguriang ito na pinamalakas na
lindol na tumama sa Japan at panlima sa buong mundo simula noong 1900.
Sinundan ito ng tsunami na may taas na 40.5 metres (113 ft). 15,839 ang namatay,
5,950 ang sugatan at 3,642 ang nawawala. 125,000 ang tinatayang halaga ng nasira
o nawasak ng sinasabing tsunami at lindol.
CHINA
INDIA
Earthquake (2001)
IRAQ
Gulf War (2003)
INDIA
Sinkhole
GROUP 5 MEMBERS:
KYD
Michael
Asia
Rain
Christian

similar documents